150 - Ako ay Bigyan ng Banal na Aklat

Ako ay bigyan ng banal na aklat
Na pantawag sa nangapahamak,
Sa payapa'y di hadlang ang bagabag
Pagka't si Jesus ang humahanap.

REFRAIN

Ako ay bigyan ng banal na aklat
Na tatanglaw sa daang mahirap;
Pangako't utos, pag-ibig na lahat,
Patnubay hanggang Siya'y mahayag.

Ako ay bigyan ng banal na aklat,
Ligaya ng pusong natiwalag;
Ang pangako ni Jesus ay panatag
Tunay na Siya'y darating agad.

REFRAIN

Ako ay bigyan ng banal na aklat
Na tatanglaw sa daang mahirap;
Pangako't utos, pag-ibig na lahat,
Patnubay hanggang Siya'y mahayag.

Ako ay bigyan ng banal na aklat,
Na patnubay sa aking paglakad,
Upang sa panganib ay makaiwas
At sa kasalana'y makaligtas.

REFRAIN

Ako ay bigyan ng banal na aklat
Na tatanglaw sa daang mahirap;
Pangako't utos, pag-ibig na lahat,
Patnubay hanggang Siya'y mahayag.

0:00 0:00